Advertisers

Advertisers

300 kms jumper sa Iloilo, at TIELCO sa Romblon very poor

0 299

Advertisers

PATULOY sa paglilinis ng illegal connections ng kuryente ang More Electric and Power Corporation (More Power) sa Iloilo.

Ang jumper ang sanhi ng madalas na brownout at mga sunog noong pinamamahalaan pa ng Panay Electric Company (PECO) ang power distribution sa lalawigan.

Sa loob pa lamang ng isang buwang tuloy tuloy na operasyon laban sa jumpers ay nasa 10 tonelada na ng illegal wiring o jumper cables ang nabaklas ng More Power. Kung ilalatag nga raw ito ay aabot ng 300 kilometro. Tsk tsk tsk…



Sa datos ng More Power, nasa 156 out of 180 barangays na ang kanilang nagalugad sa isinasagawang ‘Operation Valeria’ anti-jumper raid. Sa loob ng isang buwan ay may 5,000 illegal connections na nakakabit sa kanilang secondary line narin ang natanggal.

At para masiguro na hindi na makapagpakabit ng jumper sa mga lugar na mataas ang rate ng illegal connections ay nagtalaga na ang More Power ng 500 guwardiya sa iba’t ibang lugar para regular na magbantay.

Bukod dito, nasa 17 katao na ang nakasuhan matapos mahuli sa aktong nagkakabit ng jumper cables. Ang mga ito ay nahaharap sa mabigat na kaso bukod para sa itinakda ng korte na P130,000 piyansa.

Sa kasalukuyan, 24 natitirang barangays pa ang susuyurin ng Oplan Valeria Anti-Jumper Raid ng More Power para tuluyang malinis sa illegal jumpers ang lungsod ng Iloilo.

Tiniyak ng More Power na wawakasan nila ang illegal power connection sa Iloilo.



Base sa kanilang pag-aaral, umabot na sa 30,000 ang talamak na gumamit ng jumper sa Iloilo, dahilan kung bakit mataas ang insidente ng sunog sa power lines at mataas na system loss.

Ang nakumpiskang jumper cables aygagamitin naman ng More Power na ebidensya laban sa dating distribution utility na PECO.

“All of these wirings are measured and then labelled to be used as evidence in the investigation and eventual case that would be filed against PECO to prove how prevalent power pilferage has been in the city of Iloilo during their incumbency as its power distribution firm”, pahayag pa ng More Power.

Maganda naman ang naging resuta ng mahigpit na kampanya ng More Power laban sa jumper, tumaas ang bilang ng mga residente na nag-apply para sa pagpapakabit ng kanilang sariling electric meter. Dipuga!!! Very good!

***

Malaking problema ngayon ng mga titser at estudyante sa Tablas island, Romblon dahil sa madalas na brownout sa isla.

Ang madalas na kawalan ng kuryente na tumatagal ng halos 3 oras umaga’t hapon at gabi ay malaking epekto sa umiiral na online learning sa isla.

Ang distribution utility sa isla ay ang Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO).

Dapat paimbestigahan ni Romblon Governor Otik Riano ang kapabayaang ito ng TIELCO.

Matagal nang problema ang patay-sindi na kuryente sa isla, hanggang ngayon ay hindi parin ito nasosolusyunan ng kooperatiba.

Dapat iparating ni Riano sa Energy Regulatory Board (ERC) ang problemang ito sa TIELCO dahil hindi nakapag-aaral ng mabuti ang mga bata. Dahil pag walang kuryentem wala ring internet. Tigil ang online class. Mismo!

Gov. Riano, gising!

***

Tatlong sunod na taon nang ginawaran ng pinakamataas na audit rating si Vice President Leni Robredo.

Ibig sabihin nito ay tama ang paghawak niya sa kanyang pondo, walang korapsyon, walang komisyon.

Ito ang kailangang lider ng Pilipinas para makabangon sa nalugmok na ekonomiya ng bansa.

Take note: Nasa P9 trillion na ang utang ng Pilipinas. Kapag ang next President ay korap parin, paktay ang ating bansa!