Advertisers
NAHULI ang dalawang namemeke ng mga lisensya at iba pang government-issued na mga dokumento sa San Juan, Batangas.
Kinilala ang mga naaresto na sina Joy Nepomuceno at Ronalyn Umali.
Nakumpiska sa kanila ang mga pekeng Land Transportation Office (LTO) driver’s license at Philippine Statistics Authority (PSA) birth certificate.
Ayon kay Philippine National Police Anti – Cybercrime Group 4A chief , Colonel Julius Suriben, nag-aalok ang mga suspek ng online processing ng government-issued IDs partikula na ang LTO licenses at nagpakilala rin ang mga ito na nagtratrabaho sa LTO.
Umabot sa P125,000 ang naibigay ng mga biktima sa mga suspek.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban kina Nepomuceno at Umali. (Ace Ramales)