Advertisers
Nanindigan ang Bureau of Corrections (BuCor) na bitin pa ng 10 buwan ang pagkakakulong si US Marine Lance Corporal Joseph Pemberton base sa computation ng BuCor sa good conduct time allowance (GCTA) credits nito.
Nilinaw ng BuCor kung bakit hindi tugma ang kanilang computation sa GCTA credits ni Pemberton sa kuwenta ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC). Ayon sa BuCor hindi nila isinama ang isang taong pagkapiit ni Pemberton bago masentensiyahan noong Disyembre 2015 dahil hindi pa nila hawak ang Amerikanong sundalo na umaming pumatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas Jennifer Laude.
Dagdag pa ng BuCor tanging ang jailwarden lang ng piitan kung saan nakakulong si Pemberton ang maaring magbigay ng GCTA credits.
Sa susunod na Linggo kasama ng Department of Justice (DOJ) ang Office of the Solicitor General (OSG) sa maghahain ng apela sa desisyon ng Olongapo City na palayain na ang akusado. (Josephine Patricio)