Advertisers

Advertisers

Pagsampay ng underwear at damit sa labas ng bahay, bawal na sa Bora

0 420

Advertisers

Ipinagbabawal na ngayon ang pagsampay ng mga underwear, damit, bed sheet at iba pa sa gilid ng kalsada sa isla ng Boracay.
Ayon kay SB member May Lynn Aguirre-Graf, naging ugali na ng mga tao na magsampay sa gilid ng kalsada upang madaling matuyo ang mga ito ngunit hindi ito maganda tingnan lalo na’t damit panloob ang mga nakasabit.
Layunin nito na madisiplina ang mga mamamayan upang mapanatiling malinis ang isla ng sa gayon, mapalakas pa ang turismo lalo na’t unti-unti itong bumabangon mula sa pagkabagsak dulot ng Covid-19 pandemic.
Sa inaprubahang ordinansa ng konseho, papatawan ng multa na aabot sa P2,500 ang mahuling lalabag nito.(Ace Ramales)