Advertisers

Advertisers

Covid update: 1,136 gumaling; 53 namatay; 2,529 new cases

0 377

Advertisers

NADAGDAGAN pa ang tinamaan ng nakamamatay na Coronavirus Disease o Covid-19 sa bansa batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, nakapagtala ng 2,529 na kumpirmadong mga bagong kaso ngayong Sabado, September 5 dahilan para umabot na sa 234,570 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Sa nasabing karagdagang bilang, 2,145 ang naitala sa nagdaang dalawang linggo mula August 23 hanggang September 5 kung saan ang NCR pa rin ang nakapagtala ng maraming bagong kaso na nasa 968.



Sinundan naman ng Region 4A na may 356 at Region 6 na may 243.

Ang mga resulta ng test ay mga isinumite ng 92 mula sa 113 operational laboratories sa bansa.

Nasa 69,112 naman ngayon ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bansa.

Tumataas na rin ang bilang ng mga recoveries dahil muling nakapagtala ng 1,136 recoveries kaya naman umabot na sa 161,668 ang gumagaling sa nakamamatay na sakit.

Habang sa deaths naman ay mayroong bagong 53 pasyente na hindi kinayanan ang matinding dulot ng Covid-19 .



Sa kabuuan nasa 3,790 na ang namamatay sa sakit kung saan 21 nito ang pumanaw ngayong buwan ng September, 18 noong August, 12 noong July, tig-1 noong April at June.

Karamihan din sa mga pumanaw ay naitala sa NCR na may 32 habang 6 sa Region 3, tig 4 sa Region 6 at 4A, tig 2 sa CAR , Region 1 at BARMM habang 1 naman sa Region 12. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)