Advertisers

Advertisers

Bong Go: Epekto sa mental health ng COVID-19 crisis, dapat tutukan

0 304

Advertisers

Nais ni Senator at Senate committee on health and demography Christopher “Bong” Go na seryosong tutukan ng Department of Health (DoH) ang kalusugan ng pag-iisip ng marami nating kababayan na naapektuhan ng kasalukuyang COVID-19 pandemic.

Hiniling din niya sa DoH, sa Department of Labor and Employment at iba pang concerned national government agencies na magkaloob ng libreng mental health care at psychosocial support services

“With or without COVID-19 pandemic, mental health is very important. Government must make sure that all kinds of psychosocial services and assistances are accessible to our people suffering from all forms of mental health conditions,” ang sabi ni Go.



“Ang mental health issue ay hindi lang naman tungkol sa mga nag-suicide. Worst case na iyan. Karamihan sa mga mental health concerns natin ay ang anxiety, stress and depression caused by the pandemic. Dahil hindi na nakakalabas ng bahay, marami ay nalulungkot. Marami ang nawalan ng trabaho, hindi alam kung saan kukunin ang pambili ng pagkain, mga gamit sa blended schooling, katulad ng laptop, at pambayad sa tuition,” dagdag ng senador.

Ipinaliwanag niya na ang chronic stress, social isolation at economic difficulties ay nagiging isa sa mga sanhi ng pagkakaroon depresyon, anxiety at ang pinakamalala ay ang pag-abuso sa bawal na gamot ng indibidwal.

Iniulat ng National Center for Mental Health ang pagdami ng mga tumatawag sa kanilang crisis hotline sa harap ng ipinatutupad na mahigpit na quarantine restrictions noong Marso.

Ang average number na 400 ng mga tumatawag kada buwan simula May 2019 hanggang February 2020, ay tumaas sa 876 nitong March hanggang August 2020.

Ang isa sa pangunahing dahilan ay anxiety-related concerns na humihingi ng referral para sa psychiatrist o psychologist at mga naghahanap ng serbisyo.



Nalulungkot si Sen. Go dahil ang mental health disorders ay isa sa mga sakit na nananatiling “underreported” dahil may mga pasyenteng hindi alam kung saan lalapit o hindi alam ang gagawin

Dahil dito, nanawagan siya sa mga kinauukulan na palakasin ang awareness sa mental health issues; i-address ang barriers at i-discourage ang hindi pagpapasuri nito.

Kaya naman sinusuportahan ni Sen. Go ang Senate Bill No. 1471 na inihain ni Sen. Sonny Angara na layong maamyendahan ang Republic Act 11036 o ang Mental Health Act.

Ang panukalang batas ay magpapalakas sa Section 5 o sa Rights of Service Users na magbibigay sa mga may mental health conditions ng mabilis na access sa compensation benefits at anomang special financial assistance sa bawat isa.

“In this time of pandemic, we should ensure that mental health is valued, promoted and protected. Aside from physical health, ‘yung mental health ay napaka-importante. Marami pong nade-depress dahil sa sitwasyon ngayon. In fact, merong na documented case na ng isang batang estudyante na nagpakamatay dahil sa hirap na dala ng pandemya. Ayaw na nating madagdagan ito,” ani Go. (PFT Team)