Advertisers

Advertisers

3 babaeng tulak huli sa buy-bust ops

0 247

Advertisers

Arestado ng Manila Police District (MPD) ang tatlong babae sa isinagawang drug buy bust operation sa Malate, Maynila Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na sina Enmarie Velasco, 31, dalaga ng Judge P. Ramos St.,Ternate Cavite; Verna Burgos, 42, dalaga ng Victory Avenue, Tatalon, Quezon City; at Blaveth Garcia,42, dalaga ng 1845 Gouquilay, Pasay City.
Sa ulat, 9:45 ng gabi nang isagawa ang buy-bust sa M.H. Del Pilar St., Malate.
Nasamsam ang 5 sachet ng shabu na nagkakahalagang P13,600.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng R.A 9165 ang tatlo. ( Jocelyn Domenden/Andi Garcia)