Advertisers
Patay ang dalawang rider makaraang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo sa bayan ng Kalibo, Aklan.
Kinilala ang mga namatay na sina Nikko Cuatres, 21, residente ng Brgy. Palali; at John Billiones, 23, residente ng Brgy. Linabuan Sur, kapwa sa Kalibo, Aklan.
Sa report, gabi ng Setyembre 3 naganap ang insidente sa national highway ng Brgy. Jumarap Banga, Kalibo, Aklan.
Ayon sa ulat, kapwa binabaybay ng dalawang biktima ang naturang kalsada nang magkasalubong ang mga ito subalit walang ilaw ang headlight ng motorsiklo ni Billiones.
Dahil dito, parehong nabulaga ang dalawa at nagsalpukan ang kanilang motorsiklo kaya tumilapon sila sa sementadong kalsada.
Kaagad na isinugod sa Aklan Provincial Hospital sina Cuatres at Billiones subalit idineklara ring patay ng mga doktor. (PTF team)