Advertisers

Advertisers

Parak sugatan sa nag-amok na lalaki

0 214

Advertisers

Sugatan ang isang pulis sa Leyte nang pagtatagain ng isang lalaking nag-amok at tumakas matapos ang krimen, ngunit nahuli rin kalaunan.
Sa report, agad rumesponde ang mga pulis nang makatanggap ng reklamo tungkol sa isang lalaking nag-amok sa Barangay Dapdap sa bayan ng Alangalang.
Kabilang sa mga rumesponde si Police Master Sargent John Alvin Claro.
Nang makita ng nag-amok na lalaki ang mga pulis, agad na sumugod ito at pinagtataga si Claro.
Mabilis na tumakas ang nag-amok na lalaki na nahuli rin sa isinagawang follow up operation ng otoridad.
Mahaharap sa kasong frustrated murder ang nag-amok na lalaki.(PTF team)