Advertisers

Advertisers

Michael V ikukuwento ang karanasan bilang COVID19 survivor sa pagbabalik ng ‘Pepito Manaloto’

0 245

Advertisers

SIGURADONG mapupuno ng good vibes ang Sabado ng Kapuso viewers dahil sa comeback episode ng Pepito Manaloto!

 

Para pasalamatan ang loyal fans ng family-oriented program, handog nina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares ang isang masayang episode na may “kamustahan” segment at games.



 

Ibabahagi rin ni Bitoy ang naging experience niya bilang survivor ng COVID-19 para magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga manonood.

 

‘Wag palalampasin ang “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento” ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng ‘24 Oras Weekend’ sa GMA-7.

***



Boobay at Tekla, balik-taping na sa TBATS

Tila nabuhayan ng loob ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na The Boobay and Tekla Show.

 

Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa ‘TBATS’.

 

Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, Lord! #NewNormal.”

 

Nag-post din ang direktor ng show na si Rico Gutierrez ng setup ng studio na mapapansin na may imbitadong audience via Zoom sa LED display, “Break a leg team! May zoom audience kami today.”

 

Mas pasayahin ang inyong quarantine at samahan sina Boobay at Tekla sa much-awaited fresh episode ng ‘The Boobay and Tekla Show’ ngayong September 13 na, 10:15PM, sa Kapuso Network.

***

MARAMI ang kumakapit sa patalim para matugunan ang pangangailangan ng pamilyang kumakalam ang tiyan dahil sa hirap.

Pero paano kung mga anak mo na ang kailangang gamitin sa masamang gawain? Masisikmura mo ba ito kapalit ng pangakong kaginhawaan ng pamilya?

Panoorin ngayong Sabado, September 5, alas-8 ng gabi sa Magpakailanman sa GMA ang episode na pinamagatang Mga Batang Hubad: The Cyberporn Family Story.

Tampok dito sina Glydel Mercado, Allan Paule at Klea Pineda.

Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. tampok din sa naturang episode na may hashtag na  #MPKCyberpornFamily sina Gilleth Sandico, Rubi Rubi, Chlaui Malayao, Arjan Jimenez, John Kenneth at Bruce Roeland. (Rommel Gonzales)