Advertisers
Patay ang isang katao at isa ang sugatan sa panambang sa alkalde ng Pitogo, Zamboanga del Sur.
Sa ulat, nakaligtas naman si Mayor James Yecyec, Ngunit napatay sa insidente ang isa sa dalawa niyang civilian escorts, at sugatan at nagpapagaling na sa ospital ang isa pa.
Ayon sa report, nakamotor pauwi ang alkalde galing sa isang birthday celebration kasama ang dalawang escourts nang tamgbangan ng dalawang armadong salarin.
Hindi naman nagtamo ng sugat si Mayor Yecyec sa insidente.
Iniimbestighahan na ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pananambang. (PTF team)