Advertisers

Advertisers

Kapahamakan sa 38 Pinoy na nawawala sa barkong lumubog, ibinabala

0 201

Advertisers

I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Ang mga anak niyong mga babae at mga lalaki ay kitang-kita ninyong ibibigay sa ibang mga bansa. Wala kayong magagawa sa panahong nagdaranas sila ng kapighatian o kapariwaraan…” (Deuteronomy 28:32, Ang Tanging Daan Bibliya).



***

KAPAHAMAKAN SA 38 PINOY NA NAGLILINGKOD SA MGA DAYUHAN, IBINABALA NG BIBLIYA: Isa sa mga nakakalungkot na balita sa ating bansa sa ngayon ay yung pagkawala ng 38 Filipino seafarers na tripulante ng isang barkong lumubog sa Japan noong isang linggo. Ang balitang ito ay isa na namang pagpapatunay sa babala ng Bibliya na maraming mga Pinoy ang mapapariwara o mapapahamak habang sila ay naglilingkod sa mga mamumuhanang dayuhan.

Sabi kasi sa Bibliya, kung ang isang bayan o lahi ay hindi na nakikinig sa Diyos at hindi na sumusunod sa Kaniyang mga utos, magkakaroon sila ng mga sumpa, at kasama sa mga sumpang ito ay yung pagtungo ng mga anak ng bayan o ng lahing ito ibang mga bansa upang magsilbi sa mga dayuhan.

Ang mas masakit pa, sinasabi ng sumpang ito na sa sandali ng kapariwaraan at kapighatian ng mga anak na naglilingkod sa mga dayuhan sa ibang bayan, walang magagawa ang mga magulang upang tulungan ang kanilang mga napapariwara o namimighating mga anak. Kelan ba tayo matututo?

***



AND KNK: PATOTOO NG AMA NA SIYA SI JESUS, MABABASA SA MARAMING BAHAGI NG BIBLIYA: SSDSNNJ Amen. Noong Huwebes, ika-03 ng Setyembre 2020, inulit natin dito sa ating araw-araw na Kalatas Mula Sa Mahal Na LD na bahagi ng mga turo at aral ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK) ang limang patotoo na si Jesus ang Diyos at Tagapagligtas, na Siyang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo.

Ang limang patotoo na ito ay ang patotoo mula sa Ama, patotoo mula sa Anak, patotoo mula sa Espiritu Santo, patotoo ng mga alagad ni Jesus, at patotoo ng mga tao na hindi tumanggap at sumampalataya kay Jesus.

Ang lahat ng mga patotoong ito ay nakasulat sa Bibliya, at iisa ang sinasabi—si Jesus ang nag-iisang Diyos at Tagapagligtas na may tatlong kaanyuan, at ito ay ang anyo ng Ama, ang anyo ng Anak, at anyo ng Espiritu Santos.

Hindi Siya tatlo. Siya ay nag-iisa lamang, bagamat sa iba’t ibang panahon, nag-i-iba-iba Siya ng anyo, at pangunahin sa mga anyong ito ay ang Kaniyang anyong Ama, ang Kaniyang anyong Anak, at ang Kaniyang anyong Espiritu Santo.

***

ANG AMA AY NAGPAPATOTOO NA SIYA SI JESUS: Sa tatlong kaanyuang ito ng Diyos, Ama, Anak, at Espiritu Santo, nagpapatotoo Siya na Siya, wala ng iba, ang Diyos at Tagapagligtas, noon, ngayon, at magpakailanman. Sa tatlong anyong ito ng Diyos, nagpapatotoo Siya na Siya lamang ang tanging daan, wala ng iba, tungo sa tatlong antas ng kaligtasan para sa tao.

Ano-ano ang mga patotoong ito ng Diyos, Ama, Anak, at Espiritu Santo? Manatili po kayong sumusubaybay sa mga Kalatas ng Mahal na LD araw-araw, at ito po ang pagtutuunan natin ng pansin, sa pahintulot ng Diyos.

Mahalaga bang malaman ng isang mananampalataya, partikular ng mga Kadugo, o ang mga kasapi, ng AND KNK, ang mga patotoong ito? Opo naman, sa maraming kadahilanan. Una, gaya ng sinabi natin dito ngayon, ipinapahayag ng Diyos na makakamtan lamang ng mga tao ang tatlong antas ng kaligtasan kung Siya ay kanilang makikila sa Kaniyang pagiging Diyos at Tagapagligtas.

Ano-anong bahagi ng Bibliya na naglalaman ng mga patotoo ng Ama na Siya si Jesus? Unahin po natin ang mga pahayag ng Ama mismo. Makikita ang ilan sa mga pahayag na ito ng ama sa Genesis 3:15, Isaias 7:14, Isaias 9:6, Mateo 1:18-25, at Lucas 1:26-37, ng Bibliya.

***

MGA BAHAGI NG BIBLIYA NA NAGPAPATOTOO NA ANG DIYOS MISMO ANG BUMABA SA LUPA: Sa Genesis 3:15, maaalaala natin na dito itinala sa bersikulong ito ang pagpapahayag ng Diyos ng Kaniyang sumpa laban sa diyablo, na noong mga panahong iyon ay nagpakita bilang ahas. Sinumpa ng Diyos ang diyablo, dahil nilinlang nito ang unang babae, si Eba, at pati na ang unang lalaki, si Adan.

Dahil sa panlilinlang ng diyablo kay Eba at Adan, nakuha ng dalawa na lumabag sa kautusan ng Diyos. Ang paglabag na ito ay nagdulot ng mga sumpa kina Eba at Adan, pero, sa pagkakasumpa ng Diyos sa diyablo, ipinahayag ng Diyos na Siya mismo ang kikilos upang mabibigyan pa din ng kapatawaran ng paglabag na ginawa ng dalawa.

Sinabi ng Diyos sa Genesis 3:15 na dahil sa ginawang panlilinlang ng diyablo sa dalawa, magiging kalaban ng Diyos ang diyablo, pero sa pagdating ng tamang panahon, wawasakin ng Diyos ang diyablo. Gagawin ito ng Diyos sa Kaniyang anyong tao na may laman at dugo, bilang binhi ng isang babaeng birhen.

Abangan po natin ang karagdagang pagpapahayag natin tungkol sa Genesis 3:15. Salamat Sa Diyos sa Ngalan Niyang Jesus, Amen.

***

MAKINIG, MANOOD: “Ang Tanging Daan”, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5 ng hapon (oras sa Pilipinas), Bukidnon Radyo Power FM (Valencia City at Lake Seibu, South Cotabato), 95.5 J FM (Dangkagan, Bukidnon), DXMJ 90.3 Sunshine FM (Sumilao, Bukidnon), at sa website ng AND KNK (www.andknk.ph), YouTube (Ang Tanging Daan AND KNK), Facebook pages na www.facebook.com/angtangingdaan, www.facebook.com/attybatas, at sa CATV Cable Channels, Coron, Palawan, at Calamianes Cable TV, sa Calamianes Islands.