Advertisers

Advertisers

Hindi nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino” – Go

0 243

Advertisers

“Hindi nasusukat sa tangkad ang pagsisilbi sa kapwa Pilipino”

Ito ang pahiwatig ni Senador Christopher “Bong” Go sa pagsuporta niya sa proposed bill ng kapwa Senator na si Ronald Bato dela Rosa na nag-aalis sa minimum height requirements ng mga aplikante sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at Bureau of Corrections.

Pinuri rin ni Go ang panukalang ito ni dela Rosa dahil malaking tulong ito na mapalakas pa ang law enforcement ng bansa gayundin ang firefighting forces at iba pang first-responders sa mga panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.



Ayon kay Go, mabibigyan ng pagkakataon ang mga gustong magsilbi sa bayan pero dahil sa ilang requirements ay hindi nabibigyan ng pagkakataon.

Muli namang pinuri ni Go ang law enforcement officers ng bansa kung saan, nabawi at napaganda ang reputasyon ng mga pulis dahil sa mga ipinatupad na cleansing sa kanilang hanay.

Tiniyak din ni Go na suportado nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis at sa abot ng kanilang makakaya ay tutulungan nila ang mga ito bilang pagkilala sa mga sakripisyo matiyak lang ang kapakanan ng mga kapwa Pilipino. (Mylene Alfonso)