Advertisers

Advertisers

Hindi dahil sa pandemiya ang walang pasada

0 321

Advertisers

Ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ay nauna pa sa pandemiya ng nakamamatay na virus na COVID-19 at nataon lamang na halos nadoble ang pahirap ng ating mga tsuper ng jeep nang ipagutos ang mga quarantine at ipagbawal ang byahe ng lahat na pampublikong sasakyan, upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Ang mga binabansagan nating “hari ng kalsada” o “king of the road” na tinatayang 55 libong units, ay tuluyan nang natengga at naging dahilan ng pagkagutom ng halos 200 daang libong tsuper at operator nito.

Nadagdagan nga ang paghihirap ng mga tsuper ng jeep at unti-unti namang umusad ang PUVMP nang makita natin sa mga lansangan ang mga modernong jeepney na ang bumabiyahe sa mga lansangan, matapos luwagan ng kaunti ang quarantine.



Nauna kasi rito, ay noon pang 2017 pinaghahandaan ng pamahalaan lalu na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasa-ayos ng mga luma at halos di na mapakinabangang mga pampasaherong jeep, sa paglalatag ng PUVMP, upang palitan ang mga ito at mabawasan ang polusyon partikular na sa kamaynilaan.

Ang sabi ng DOTr, ang mga modernong jeep ay angkop sa mga kalidad na hinahanap ng Bureau of Standard, at meron itong mga katangian na sumusunod sa mga environmental laws gaya ng sinasaad na dapat ay Euro-4 ang makina nito upang makabawas ng polusyon.

Sa paliwanag nga ni DOTr Assistant Secretary Goddess Libiran, hindi lamang jeep ang pinagbawalang bumiyahe sa panahon ng quarantine, kundi lahat ng pampublikong sasakyan. At ang PUVMP ay para rin sa lahat ng pampublikong sasakyan na inatasang magsama-sama hanggang December 31 ng taong ito o kaya’ y sa petsa ng katapusan ng kanilang prangkisa upang masama sa programa.

Ang bagong patakarang ito ay kasama ng tatlong-taon na panahon inilaan para mapalitan ang mga tinatayang 180 daang libong jeep ng maka-bago o modernong sasakyan na mas makabubuti sa mga mananakay. Sabi nga ni Asec. Libiran, ito ay dahil magkakaroon na ng takdang sahod ang mga driver at takdang oras lamang ng pagtratrabaho o pagmamaneho.

Hindi ginagawa ang pagpapatupad ng implementasyon ng PUVMP ng dahil mayroon tayong pandemiya. Hangarin lamang ng pamahalaan na mapaganda ang buhay ng mga tsuper ng jeep sa makabago at modernong unit na kanilang mamanehuin at mapaganda ang sistema ng pangmasang tansportasyon.



Bukod sa seguridad ng mga driver at operator ng jeep, nakakasiguro rin ang pamahalaan na protektado pa ang mga mananakay dahil sa makabagong safety features ng modernong jeep at makaiwas sa polusyon ang kapaligiran.

Ang tanong ko naman ay bakit ang ibang samahan o organisasyon ng mga tsuper ng jeep ay nagawang magsama-sama at pumayag na akapin ang pagbabago sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong jeep? Marahil ay marami pang kalituhan ang iba o kaya naman ay talagang ayaw ng pagbabago.