Advertisers

Advertisers

Dalagita inagawan ng cellphone, nagbigti

0 248

Advertisers

NAGBIGTI ang isang dalagita nang agawin ng nakababatang kapatid na lalaki ang kanyang cellphone sa Zamboanga city.
Sa report, nakabigti at wala nang buhay nang matagpuan ang 13-anyos na dalagita sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Zone 6, Mercedes ng nasabing lungsod.
Kuwento ng ama ng biktima, bago ang insidente nagalit ang dalagita sa nakababatang kapatid na lalaki nang kunin nito ang kanyang cellphone.
Dahil dito, lumabas ang biktima ng bahay na nagngingitngit sa galit.
Pagsapit ng hapon ng Setyembre 3, pag-uwi ng ama ng biktima, laking-gulat na lamang nito nang makita ang anak na nakabigti na.
Isinugod sa ospital ang biktima pero patay na nang idating.(PTF team)