Año negatibo na sa COVID-19
Advertisers
Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary na negatibo na ito sa COVID-19.
Ayon kay Año lumabas aniya ang resulta ng COVID-19 test nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi rin ni Año na magpapatuloy pa rin ang kaniyang work-from-home arrangement bagama’t tapos na ang kanyang quarantine period. Matatandaan na noong Agosto 16 ay inilahad ni Año na muli siyang nagpositibo sa virus. (Josephine Patricio)