Advertisers
Sinalakay ng mga awtoridad nitong Biyernes ang bahay ng isang Swiss national sa Parañaque City na naaresto na noong isang linggo dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), followup operation ang raid sa ginawa nilang pag-aresto sa Swiss national na si Thomas Fritz Stucki at 2 Pinoy noong Agosto 27.
Sa ulat, pagdating ng PDEA sa bahay ni Stucki sa BF Homes, tumambad sa mga awtoridad ang nasa 2,200 tabletas ng ecstasy, mga sachet ng hinihinalang cocaine at marijuana, 1,000 piraso ng Kush seeds, drug paraphernalia, at 2 baril.
Isinagawa ang raid dahil sa inisyung search warrant ng korte.
Inabutan sa bahay ang live-in partner ni Stucki at kanilang mga anak.
Ayon kay PDEA National Capital Region Assistant Regional Director Irvin John Coderis, ilang buwan nilang minanmanan ang Swiss national.
Nalaman nilang isa itong supplier ng party drugs sa Parañaque, Makati, Pasay at Taguig.(Gaynor Bonilla)