Advertisers

Advertisers

PWD huli sa ‘car-pasalo’ modus

0 228

Advertisers

ARESTADO ang isang person with disability (PWD) nang ireklamo ng “car-pasalo” modus kungsaan mga talbog na tseke ang ibinibigay nito sa kaniyang mga biktimang nagbebenta ng marerematang sasakyan.
Kinilala ang dinakip na si Jaime Raverirya.
Sa report, naaresto si Raverirya sa entrapment operation ng Highway Patrol Group-4A.
Nakuha rin ng mga awtoridad ang isang AUV na kinuha ni Raverirya sa isa niyang biktima.
Ayon sa mga biktima, nagpapakilala ang suspek na taga-salo ng mga sasakyan na malapit nang maremata dahil hindi sila nakapaghulog dahil sa pandemya.
Sa ulat, pinipilit ng suspek ang kaniyang bibiktima na pumayag na magpatulong sa problema ng pagbabayad sa sasakyan. Dahil nagpakilalang PWD at mahusay makipag-usap, nakukuha nito ang loob ng kaniyang biktima.
Ngunit kapag nakuha na ang sasakyan, maglalaho na ang suspek at tatalbog ang mga inisyu na tseke.
Ayon kay Lt. Colonel Alejandro Espiritu, hepe ng HPG-4A regional office, nahuli na rin noon ang suspek sa kaparehong modus.(Ace Ramales)