Advertisers

Advertisers

PBB1 Big Winner Kumander Nene ‘di sumuko sa pagsubok, matagumpay nang negosyante

0 331

Advertisers

NAKILALA at sumikat si Nene Tamayo bilang si Kumander Nene, ang pinakaunang grand winner ng Pinoy Big Brother noong 2005.

Fifteen years later, bukod sa pagiging artista ay isang businesswoman si Nene with her Nene Prime Foods na nakabase sa Quezon City.

Ang mga produkto ng Nene Prime Foods ay bottled bangus in olive oil (spicy and regular), tuyo in corn oil, tinapa in olive oil, pickled chili at marami pang iba.



Sinimulan ni Nene ang kanyang negosyo noong 2014, pero hindi madali ang kanyang pinagdaanan bago naitatag ang Nene Prime Foods.

Halos isang milyong piso ang nawala kay Nene sa pagsubok sa iba-ibang negosyo, hindi sumuko si Nene na maabot ang pangarap na maging isang matagumpay na negosyante.

Mula sa pagbubukas ng isang convenience store hanggang sa pagma-manage ng comedy bar/restaurant, napilitan si Nene na isara ang mga ito dahil hindi na siya kumikita.

Pero dahil alam ni Nene na parte ng pagnenegosyo ang pagkalugi, hindi siya tumigil. Sumubok din siya sa pagba-buy-and-sell ng iba-ibang produkto sa mga bazaar at trade fairs.

Dahil sa kanyang mga pagkabigo, mas lalong nagpursige si Nene para makabangon.



“Hindi talaga ako sumuko, gusto ko kasi talagang magkaroon ng sarili kong negosyo, kaya lahat ng puwedeng pasukang business, sinubukan ko,” pahayag ni Nene.

At pagkaraan ng ilang taon, noon ngang 2014, dahil sa pagkahilig niya sa Spanish sardines at pagluluto, at sa encouragement ng mister niyang si Anthony Plamio, “isinilang” ang Nene Prime Foods.

At ngayon sa gitna ng pandemya dulot ng COVID-19, hindi humihinto si Nene. Ang totoo na, mas tumaas pa ngayon ang demand sa kanyang mga produkto; umaabot na nga sa kung saan-saang sulok ng Pilipinas ang deliveries ng mga produkto ng Nene Prime Foods.

“Dati nagke-cater lang ang products namin sa high-end market, pero ngayon, mas abot na namin ang masa, gusto talaga namin na matikman ng lahat ang sarap at quality ng produkto namin,” pahayag pa ni Nene.

Aminado si Nene, tulad ng lahat, mahirap kumilos ngayon, mas mahirap paganahin ang negosyo sa panahon ng pandemya, pero hindi iyon sagabal para mas lalo pang pagsumikapan ni Nene na makarating ang produkto niya sa kahit saan, para matikman ng maraming tao ang produkto nila may pandemya man o wala.

Para sa iba pang detalye tungkol sa Nene Prime Foods, mag-log-on lamang sa neneprimefoods.linker.store. (Rommel Gonzales)