Advertisers
TINATAYANG nasa 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000 ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy bust operation sa San Miguel, Bulacan.
Sa report ni PLt.Col.Voltaire Rivera, kinilala ang nadakip na si Gilbert Catiis y Cobarubias, nasa hustong gulang, ng Brgy. Bulualto sa nabangit na bayan.
Sa ulat, 4:15 ng hapon ng Agosto 2, 2020 nang isagawa ang operasyon.
Nabatid na kabilang si Catiis sa drug watchlist ng PNP at PDEA.
Samantala, isinugod sa pagamutan ang suspek na tinamaan ng bala ng baril sa operasyon ng mga otoridad at nasa ligtas na itong kalagayan.(Thony D. Arcenal)