Advertisers

Advertisers

Importation policy sa gitna ng COVID-19, pinarerepaso

0 210

Advertisers

HINILING ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Department of Agriculture (DA) na irepaso ang importation policies na nakakaapekto ngayon sa local market sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Alvarez, maluwag masyado ang gobyerno sa importasyon at kawalan ng regulasyon sa free market kaya’t hindi nagiging competitive ang lokal na merkado dahil mas mura ang mga imported na produkto at hindi itong kayang tapatan ng mga local farmers.
Nagbabala si Alvarez na kung hindi ito agad aaksyunan ng ahensya ay tiyak na magko-collapse ang local agricultural sector at magbubunga ito ng ‘domino-effect’ sa pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka.
Diin nito na kailangan ang agad na aksuon ng ahensya sa ating importation policies upang maisalba ang kabuhayan ng mga local farmers at maiwasan na dumagdag pa sila sa lumolobong bilang ng unemployed. (Henry Padilla)