Advertisers

Advertisers

Football superstar Neymar, nagpositibo sa COVID-19

0 264

Advertisers

Nagpositibo sa coronavirus ang football star na si Neymar.
Isa siya sa tatlong Paris Saint-Germain players na nadapuan ng virus matapos ang Champions League. Isinailalim na ito sa isolation.
Kinilala naman ang kasama ni Neymar, 28, na sina Angel Di Maria at Leandro Paredes.
Patuloy din ang gagawin nilang pagsasailalim sa COVID-19 test sa mga staff at manlalaro ng kopo-nan.
Sinasabing nahawa ang mga manlalaro sa holiday trip sa Spa-nish Mediterranean island na Ibiza matapos ang pagkatalo nila sa Bayern Munich sa katatapos na Champions League.
Ang Brazilian professional footballer ay kinilala noong nakaraang taon ng Forbes bilang “world’s third highest-paid athlete.”