Advertisers

Advertisers

Elijah Alejo pinaiyak ng Elijahnatics

0 1,810

Advertisers

PINAIYAK ng kanyang masugid na fans club ang magandang Kapuso teen actress na si Elijah Alejo. Naganap ito sa 9th anniversary ng Elijahnatics, fans club ni Elijah.

Dahil sa pandemic kaya nag-zoom na lang sila. Dito nga naging very emotional si Elijah nang handugan siya ng tula ng kanyang very loyal at supportive fans.

Narito ang spoken words poetry ng Elijahnatics para sa kanilang mahal na idolo:



“May isang binibini, siya’y si Elijah Alejo, pero Brianna kung tawagin… Maliit ka man sa iyong paningin, sa Elijahnatics naman ikaw ay isang bituin na aming tinitingala. Ikaw man ang madalas ma-bully, sa Elijahnatics naman ikaw ang pasimuno pagdating sa bullyhan.

“Ang iyong mga ngiti at bungisngis na nagpapasaya sa amin, marami mang naiinis sa ‘yo dahil Brianna-kontrabida ka, mas marami namang nagmamahal sa ‘yo dahil para sa amin ikaw ang bida. Sa sobrang galing mo, halos lahat nadadala na sa pag-arte mong napakagaling.

“Kaya maraming naiinis, pero ibang-iba ka sa karakter mong ginagampanan. Si Brianna ay maldita, pero si Elijah na makulit ay busilak ang kalooban, napakamasayahin, napakatotoo, napakagaling…

“Aming bituin, aming inspirasyon, ikaw ang aming idolo… salamat sa pagiging inspirasyon mo sa amin, sa pagiging mabuting modelo sa mga kabataang umiidolo sa ‘yo. Salamat dahil di basta fans kundi pamilya ang turing mo sa amin, salamat sa iyong pagpapasaya sa amin sa bawat araw.

“Si Elijah Alejo na mahal na mahal at sinusuportahan ng Elijahnatics… napakasuwerte namin na ikaw ang aming idolo, ikaw ang aming bituin, ang nagbibigay ngiti sa amin, ang nagpapalit ng mga ngiti sa mga luha sa tuwing kami ay malungkot. Napaka-worth it mong suportahan at hindi nakapagtataka dahil the best ka… Ang pagmamahal at suporta namin sa ‘yo ay panghabang buhay, hindi mapapalitan ng kahit sino o anoman, ikaw ang nag-iisang Elijah Alejo naming pinakamamahal, ang aming binibini.”



Ang Elijahnatics ay itinatag noong July 22, 2011. Kabilang sa officers nila sina Justine Mendoza (president), Junny Balagbis, Angela Zenarosa, Sheilalyn dela Cruz, Gabriel de Ocampo, at Jenn Navarro.

Ipinahayag ni Jenn kung bakit niya mahal at iniidolo si Elijah, “Bilang isa sa fans niya, sa nine years na pagsuporta namin sa kanya, ang nagustuhan ko sa kanya at hanggang ngayon na dalaga na siya, ang pagiging mabait niya at mapagmahal sa mga tao. Si Elijah din ay malambing, madasalin, mapagkumbaba, at higit sa lahat, kung anoman ang mayroon siya ngayon ay hindi niya ito ipinagyayabang.”

Incidentally, si Elijah ay napapanood sa teleseryeng Prima Donnas ng GMA-7, na tinatampukan nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo, Miggs Cuaderno, at iba pa.

Isa rin si Elijah sa bida sa pelikulang Magikland, starring Miggs Cuaderno, na kabilang sa entry sa gaganaping Metro Manila Film Festival ngayong December. (Nonie V. Nicasio)