Advertisers

Advertisers

DRIVER NA NAKA-HIT AND RUN SA NURSE NG JJASGH, SUMUKO KAY ISKO

0 357

Advertisers

PORMAL na sumuko kay Manila Mayor Isko Moreno ang driver ng sasakyang naka-hit and run sa nurse ng Justice Jose Abad Santos General Hospital na si Renz Jayson Perez Y Digon noong Aug. 23 sa P. Burgos St, cor Ma. Orosa St., Ermita, Manila.

Kinilala ang sumukong suspek na si Mohamad Ali Sulaiman at siyang nagmamaneho ng itim na Mitsubishi pick-up na may plakang NEK-1332 na nakasagasa at nakapatay sa biktima habang ito ay sakay ng kanyang bisikleta.

Si Sulaiman ay sinamahan ng kanyang kapatid na babae at may-ari ng nakasagasang sasakyan na si Sauda Bacaye.



Present din sa naganap na pagsuko ang abogado ng suspek na si Atty. William F. Delos Santos, at Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace chairman Datu Basher ‘Bong’ Alonto.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek kabilang na ang reckless imprudence resulting to homicide. (Andi Garcia)