Advertisers
SA online show ni G3 San Diego, maraming inamin si Angel Locsin.
Aniya, maraming nagawa ang mga karanasan niya sa tunay na buhay para maging malalim siyang aktres.
Katunayan, ang mga karanasan daw niya ang pinaghuhugutan niya kaya siya nag-grow as an actress.
“Thank you for my sadness kasi dahil sa sadness na ‘yun, nagkaroon ng best actress award,” aniya.
Hirit pa niya, wala raw siyang naging bitterness o remorse sa mga naging karanasan niyang pagkabigo sa buhay niya at maging sa pag-ibig.
Sa halip, naging instrumento raw ang mga ito para maging mabuti siyang tao.
Sa isang panayam, inamin din niya naloko na siya o napagtaksilan sa ngalan ng pag-ibig.
Nagpayo pa nga siya sa mga babaeng naloko o iniwan ng kanilang mga boyfriend na hindi dapat isisi sa kanilang sarili sakaling hindi nag-work ang kanilang relasyon sa kanilang dyowa.
“Wala naman sa itsura ‘yun. Karamihan ng mga kababaihan, kapag naloloko, sinisisi ‘yung sarili. Pero mali ‘yun. Kailangan ma-realize ng mga kababaihan na ang ganung gawain, hindi mo fault ‘yun. Hindi mo fault kung walang loyalty ‘yung isa,” paliwanag niya.
“Totoo na sa isang problema, dalawang tao ‘yung involved pero sa kasalanan, isa na lang ‘yun. Kapag mali, mali pa rin ‘yun. Maraming babae ang nabubulag na ‘Ah baka kasi ganito, kasalanan ko kaya ako naloko.’ Pero kapag manloloko, manloloko talaga,” paliwanag niya.
Sa ngayon, engaged na ang tinaguriang “real Darna” ng masa sa businessman at movie producer na si Neil Arce.
Ngayon daw, pinagtatawanan na lang niya ang mga naging kababawan niya noon pagdating sa pag-ibig.
“Kung dati halos pakamatay ka na sa pain, dadating ‘yung panahon na tatawanan mo na lang. Kapag nahanap mo ‘yung tao na para talaga sa ‘yo, mare-realize mo na how petty ‘yung mga pinagdaanan mo, ‘yung mga iniyak mo,” sey niya.
Si Angel ay host ng inspiration program na “Iba ‘Yan” na mapapanood sa Kapamilya Online Live. (Archie Liao)