Advertisers

Advertisers

Jasmine nagpapalakas na ng resistensya sa pagbabalik-trabaho

0 245

Advertisers

TINIYAK ng Descendants of the Sun actress na si Jasmine Curtis-Smith na nakahanda siyang mabuti sa muling pagsabak sa taping para sa primetime series ng GMA.

Ayon sa aktres, pinalakas niya ang kanyang resistensiya sa pamamagitan ng pagkain nang wasto at regular na pag-e-exercise.

Aniya, “If you take care of your health, you take your vitamins, you exercise regularly, you really are present sa pangangalaga sa sarili mo…also do the safety precautions, you should be fine. You should just be wary of people around you. You should be extra cautious pa rin of that.”



Naging inspirasyon din ni Jasmine ang nakuhang recognition ng kanilang programa mula sa Seoul International Drama Awards kaya mas lalo siyang na-excite na magtrabaho at makita ang kanyang co-stars.

“Sobrang laking satisfaction for everyone. Our utmost gratitude talaga to the Seoul International Drama Awards kasi it feels good for someone’s adaptation to their culture of a story so well-received before na matanggap din nila and mapanalunan pa natin. It’s an amazing thing to happen,” dagdag pa niya.

***

Barbie Forteza inaabangan ang TikTok videos

Mukhang unti-unti na ring nahu-hook ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa TikTok! Parami ng parami na rin ang regular na nag-aabang sa bawat video niya.



Kamakailan nga ay napa-wow ang online viewers sa kanyang videos tampok ang mga sikat na dance craze na “Ice Cream” ng BLACKPINK at ni Selena Gomez pati ang single nina YG, 2 Chainz, Big Sean, at Nicki Minaj na “Big Bank.”

Amazed hindi lang ang kanyang fans kundi pati ang kapwa Kapuso artists na sina Ai Ai Delas Alas, Gladys Guevarra, Shaira Diaz, at Ashley Rivera sa paggiling ni Barbie. Inuulan ng positive comments ang Instagram niya kada post ng aktres ng mga sayaw niya.

Samantala, dapat ding abangan ng fans ang pagbabalik-taping ng pinagbibidahan niyang primetime series na ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’ sa GMA Telebabad.

***

Coney Reyes ipinasilip ang quarantine makeup look

Happy at proud na ibinahagi ng seasoned actress na si Coney Reyes ang kanyang quarantine makeup look simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso.

Ayon sa Love of my Life actress, ito ang unang beses na nakapaglagay siya ng makeup matapos ang ilang buwang pananatili sa bahay.

Sa kanyang Instagram post noong Linggo, ipinasilip ni Coney ang kanyang naging look. Aniya, “First time in what – five months – since I last applied some makeup! Wala naman pinuntahan. I just did an anniversary video greet for our church friends overseas. My effort putting on makeup deserves a post amidst this pandemic. #marunongparinnamanpala #practicenaulimagmakeup #nomakeupartist #DIYmakeup #2020quarantine.”

Samantala, wala pang bagong balita kung kailan magbabalik-taping ang Love of my Life parte si Coney ng cast bilang si Isabella Gonzales, isang mayamang biyuda. Maaari namang mapanood ang aired full episodes ng primetime series at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app. (BKC)