Advertisers
NADAKIP ng pulisya ang top 1 drug personality ng Camanava sa buy-bust operation sa Tupda Village, Barangay 8, Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa report, maliban sa naarestong si Renato “Kalugar” Perez, nahuli rin ang isa pang lalaki na nagpapapwesto sa suspek sa kanyang bahay na si Jomi Samson, construction worker.
Nakuha kay Perez ang 110 gramo ng shabu na may halagang P700,000.
Ayon sa ulat, dati nang nakulong si Perez mula 2010 hanggang 2013 dahil sa kasong robbery hold-up. Noong 2018 nagsimula itong magbenta ng shabu, na umaabot sa P10 milyon ang naire-remit nito kada linggo.
Ayon naman kay Samson, nawalan siya ng trabaho sa gitna ng pandemya kaya pinapapwesto niya sa kanyang bahay si Perez sa halagang P250.
Kulong ang dalawa sa Northern Police Station at inihahanda na ang kaukulang kaso laban kay Perez at Samson.(Beth Samson)