Advertisers

Advertisers

PROBE SA NAGKALAT NA MGA GAMIT NA RAPID TEST KIT SA SAMPALOC – ISKO

0 291

Advertisers

ISANG masusing imbestigasyon ang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno sa insidente ng nagkalat na napakaraming mga gamit na rapid test kit sa M. Dela Fuente Street, Sampaloc, Manila noong Martes ng gabi. Kaugnay nito ay tiniyak ng alkalde na pananagutin ang sinumang responsable sa mapanganib sa kalusugang pagkakalat nito.

Nanawagan din si Moreno sa mga barangay na maging mapagmatyag at inanunsyo na mayroon ng mga person of interest na tinututukan ang mga awtoridad.

“The only good news is that the incident was not found to be intentional and that the scavenger concerned was not even aware that the garbage bag he tied on his pedicab had been punctured, causing its contents, among them hundreds of used rapid test kits, to fall and form a trail right on the street,” ayon sa alkalde.



Samantala ay sinabi ni Bureau of permits and licensing office chief Levi Facundo na base sa utos ng alkalde ay ipapasara ang health care facility na siyang responsable sa insidente, gayundin ay sasampahan ng kaukulang kaso ang may-ari nito dahil sa improper disposal of hazardous materials kung mapapatunayan ng mga ebidensya base sa probe na gagawin ng Manila Police District (MPD).

Ayon kay Moreno ang source ng mga test kits ay maaring laboratory, clinic, hospital o private office na hindi naitapon ng tama ang mga kits.

Kaagad na pinakilos ni Moreno ang Department of Public Service (DPS) sa pamumuno ni Kenneth Amurao kung saan nakolekta ang mahigit na 200 na gamit na test kits at agad ding dinisinfect sa pangamba na kumalat ang virus.

Sinabi ng alkalde na may mga protocols na sinusunod sa pagtatapon ng hazardous wastes kung saan nabibilang ang mga gamit ng rapid test kits.

Sa kaso ng Manila Health Department at ng mga city-run hospitals, sinabi ni Moreno na huminto na sila sa paggamit ng rapid test kits noong mid-July, at istriktong tumutugon ang Maynila sa probisyon ng Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act of 1999) and Republic Act No. 9003 (Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000) pagdating sa disposal ng used rapid test kits, injections at iba pang medical wastes. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">