Advertisers

Advertisers

Miembro ng KFRG at Boratong Drug Group bulagta sa engkuwentro

0 268

Advertisers

PATAY ang isang miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFRG) at Boratong Drug Group nang maka-engkwentro ng mga elememto ng Philippine National Police Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa operasyon sa Taramac, Lanao Del Sur, Martes ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Aleman Bantuas Boratong @ Boy Negro, miyembro ng Abul Radia KFRG at Amin Iman Boratong Drug Group ng Tararac.
Ayon sa ulat, 3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elememto ng PNP AKG Mindanao Field Unit Iligan Sattelite Office, Provincial Mobile Force Company Lanao Del Sur, PNP Special Action Force sa Brgy Poblacion 4, Tamarac.
Kabilang ang suspek sa mga high profile na miyembro ng Boratong Drug Group na nag-o-operate sa Pasig City at kilala rin miyembro ng Abul Radia KFRG na nag-o-operate sa Lanao Del Norte at Lanao Del Sur. (Mark Obleada)