Advertisers

Advertisers

Magsasaka at mangingisda pinagsusuot narin ng face mask at face shield

0 303

Advertisers

MAOOBLIGA ang mga magsasaka at mangingisda sa Bulacan na magsuot ng face mask at face shield habang nasa bukid at nagtatanim ng palay at habang nasa gitna ng laot habang nanghuhuli ng isda.
Magaganap ito sa sandaling malagdaan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang ordinansa na iniakda ni 3rd District Board Member Atty. Emily Isidro Viceo.
Nakasaad sa ordinansa na kung nag-iisa ka lamang na magtatrabaho sa bukid o palaisdaan, hindi na kailangan magsuot ng face mask at face shield.
Magsusuot ng facemask at faceshield kung marami silang nagtatanim at mangingisda dahil hindi aniya nasusunod sa mga ganung pagkakataon ang physical distancing.
Kasama rin sa nasabing ordinansa ang mga motorcycle rider na kailangan mag-face mask habang nakasuot ang whole face helmet.
Pagmumultahin ang mga mahuhuling lumabag na may kasama pagkakakulong.(Thony D. Arcenal)