Advertisers

Advertisers

Lt. Gen. Cascolan nanumpa na bilang bagong Chief PNP

0 314

Advertisers

PORMAL nang nanumpa bilang bagong Philippine National Police Chief si Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan matapos na italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapalit ng nagretirong PNP Chief Gen. Archie Gamboa nitong Miyerkules.
Si Cascolan na kabilang sa Philippine Military Academy (PMA) Class 1986 na mistah o classmate nina Gamboa, dating PNP Chief Oscar Albayalde at Sen. Ronald Dela Rosa.
Sinabi ni Cascolan na dodoblehin niya ang kanyang trabaho upang pamunuan ang PNP at pagsusulong sa mga nasimulang mga programa at kampanya kontra kriminalidad partikular na sa illigal na droga at paglilinis sa hanay ng pambansang pulisya upang mapanatili ang kredibilidad at pagtitiwala ng publiko.
Isa si Cascolan sa mga author ng Oplan Double Barrel na inilunsad ng PNP sa kampanya kontra iligal na droga.
Tiniyak din ng opisyal na tatalima at susunod sa itinatakda ng 1987 Constitution ang PNP sa kabila ng pagsusulong ng Revolutionary Government ng grupo ng supporter ni Pangulong Duterte.
Si Cascolan ang ika-24 na Chief PNP at nakatakdang magretiro sa serbisyo sa November. (Mark Obleada)