Advertisers

Advertisers

Juday dinenay na lulundag na ng Kapuso

Pinalabas kasi ang movie...

0 312

Advertisers

MAY mga nag-alala, nagulat at nagulumihanan sa pag-aakalang lilipat na si Judy Ann Santos sa GMA!

Nag-ugat ito ng pagpapalabas ng Cara Mystica sa Kapuso channel nitong nakaraang araw ng Linggo.

Ang Cara Mystica ay isang dating pelikula ni Judy Ann kasama si Romnick Sarmenta na nagkataong nasa GMA ang rights kaya ipinalabas ng GMA.



Pero hindi ito nangangahulugang Kapuso na si Judy Ann. No, hindi po. Nananatiling Kapamilya si Judy Ann bilang nag-iisa at tunay na Queen of Pinoy Soap Opera ng Kapamilya Network.

Sa kabila ng mga nagaganap ngayon sa bansa, sa pandemic, sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN at kung anu-ano, nananatiling solid at loyal na Kapamilya si Judy Ann.

Sa katunayan, sa kabila ng panganib ng COVID-19, fresh new episodes ng Paano Kita Mapasasalamatan ni Judy Ann ang isa sa mga programa ng ABS-CBN ang patuloy na umere.

Kahit mapanganib mag-taping, kahit limitado ang galaw at istrikto ang safety at health protocols, sumabak sa taping ng show si Judy Ann, isang pagpapatunay kung gaano niya kamahal ang ABS-CBN. (Rommel Gonzales)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">