Advertisers

Advertisers

Jailbreak sa Negros Occ: 2 umeskapo

0 188

Advertisers

NAGKASA na ng manhunt operations ang Negros Occidental District Jail (NODJ) para sa dalawang pugante nitong Lunes sa Bacolod City.
Kinilala ang mga tumakas na sina Jimmy Sablon ng Barangay Robles, La Castellana, may kasong frustrated murder; at Ramonito Ventura ng Barangay Buenavista, Murcia, may kasong robbery.
Ayon kay Sr. Insp. Norberto Miciano Jr., nakatakas ang mga preso sa pamamagitan ng pagkalas sa mga bakal na rehas.
Limang pulis ang naka-duty nang mangyari ang pagtakas, ngunit hindi umano nila napansin ang dalawang inmates.
Nagbaba ng P10,000 reward ang NODJ para sa sinumang makapagtuturo sa mga umeskapo.
Iniimbestigahan narin ang mga pulis sa kapabayaan.(PTF team)