Advertisers
OPTIMISTIKO si martial arts enthusiast Jaime Ignes, Sr. na malapit nang bumalik ang aksiyon sa larangan ng sports bunsod sa napipinto nang ma-neutralize ng mga health experts sa mundo ang pandemyang coronavirus.
Si Ignes na siyang founder leader ng Philippine Muaythai Federation, Scientific Integrated Group of Martial Artists (SIGMA ) at tanging kinikilala ng WBC Muaythai na may karapatang magpalawig ng naturang professional sport sa bansa, dumiskubre ng homegrown talents, mag- organisa ng mga torneong lokal at magpadala ng mga atleta nito sa international competitions partikular sa prestihiyosong King’s Cup sa Bangkok, Thailand ay naniniwalang sa kasalukuyang estado ng community quarantine sa Pilipinas ay kabilang ang pro-martial arts sa mga papayagan nang bumalik sa gym upang maging simula na ng mga aksiyon sa new normal kaakibat ang health protocol ayon sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pakikipagtulungan ng Games and Amusement Board (GAB).
“Sa panahon ng community quarantine ay nakuntento muna ang ating mga martial artist through backyard training to stay in top shape bilang pagsunod sa atas ng IATF for pandemic at lahat naman ay tumalima,” wika ni Ignes sa panayam.
Ang SIGMA ni Ignes na lumalahok din sa mga grassroot development sa sport para sa talent search ay muling kakikitaan ng mga aktibidad mula sa ensayo, kumpetisyon ng lokal at abroad sa bagong normal katulad din ng mga laro sa basketball, football, volleyball, boxing, judo, wrestling, fencing, karate, taekwondo, kickboxing, arnis, silat, wushu at iba pang contact sport alinsu-nod sa patakaran ng kinauukulan.
“Our martial artists are raring to go back to action. Siyempre sa go signal ng IATF at endorso ng GAB,” sambit ng martial arts consultant ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla na si Ignes.
Samantala, muling kinilala si Arjarn Jaime G. Ignes, Sr… 14 Khan bilang kinatawan ng Pilipinas para sa Muay Thai Muay Boran Sports Association na naka- base sa Thailand at ito ay may bisa hanggang Setyembre 2021.(Danny Simon)