Advertisers

Advertisers

Cinemalaya 2021 inihayag na ang mga kalahok

0 490

Advertisers

INANUNSYO na ang mga kalahok sa ika-17 edisyon ng Cinemalaya Independent Film Festival na idaraos sa susunod na taon.

Dahil hindi natuloy ang full-length film competition ngayong taon dahil sa pandemya, isasama ang sampung napili sa nasabing kategorya sa 2021.

Sa kabuuan, labing-pitong kalahok ang maglalaban sa full-length film category sa 2021 Cinemalaya.



Nauna na rito, ang sampung kalahok na nauna nang ipinahayag ang mga sumusunod: ANG HALIMAW ni Emmanuel Q. Palo; ANGKAS ni Rainerio Yamson II; BAKIT DI MO SABIHIN (Tell Her) ni Real Florido; BULA SA LANGIT ni Sheenly Gener; KALUSKOS ni  Roman Perez Jr.; KARGO ni TM Malones; KATHOEY nina Joris Fernandez at Paolo Valconcha; PAROLE ni Briliant Juan; SEPERATE/SEPARATE ni David Corpuz; at THE BASEBALL PLAYER ni Carlo Gallen Obispo.

“Ang Halimaw” ay tungkol sa grupo ng underground activists na nag-ampon ng 10-taong gulang na bata na naghihintay na makasama ang kanyang mga magulang na wanted ng rehimeng Marcos.

Ang “Angkas” ay tungkol sa paglalakbay ng dalawang magkaibigan sa kanilang habal-habal sa kagustuhang maiuwi ang kanilang yumaong kasamahan.

Ang “Bakit Di Mo Sabihin (Tell Her)”ay tungkol sa problemang kinakaharap ng pagsasama ng mag-asawang may kapansanan sa  pandinig.

Ang “Bula sa Langit” ay tungkol sa kuwento ng isang sundalo na naipit sa anim na buwan na Marawi siege.



Ang “Kaluskos” ay tungkol sa misteryong bumabalot sa isang single mother at sa kanyang anak.

Ang “Kargo” ay tungkol sa bagahe ng nakaraan ng isang babae na hangad maipaghiganti ang sinapit na trahedya ng kanyang buong pamilya.

Ang “Kathoey” ay tungkol sa paghahanap ng isang ama sa kanyang nawawalang transgender son.

Ang “Parole” ay tungkol sa isang paroladong ex-convict na nabilanggo sa salang hindi niya ginawa.

Ang “Separate/Separate” ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng isang batang inabandona ng kanyang ina na sumali sa spelling bee competition.

Ang “The Baseball Player” ay tungkol sa isang batang Morong mandirigma na nangarap na maging baseball varsity player noong 2003.

Ang mga napili namang pito na kasama sa 2021 finalists ay ang mga sumusunod: 12 WEEKS ni Isabelle Matutina; BATSOY ni Ronald Espinosa Batallones, RMT; BLUE ROOM ni Ma-an L. Asuncion-Dagñalan; GINHAWA ni Christian Paolo Lat; GUERRA ni Joseph Israel Laban; L+B FOREVER ni John Carlo Pacala; at RETIRADA nina Cynthia Cruz-Paz at Milo Alto Paz.

Ang “12 Weeks” ay kuwento ng isang 40-anyos na babae na nadiskubre ang kanyang ipinagbubuntis isang araw bago siya iwan ng kanyang nobyo.

Ang “Batsoy” ay isang ‘coming of age film tungkol sa magkapatid at sa kanilang hilig sa Ilongo dish na ‘batsoy’.

Ang “Blue Room” ay tungkol sa miyembro ng isang college band na pinaglaruan ng tadhana.

Ang “Ginhawa” ay kuwento ng isang boksingero na nais ipagpatuloy ng nasimulang laban ng kanyang kapatid.

Ang “Guerra” ay tungkol sa paghahanap ng isang teenager sa isang estrangherong may madilim na sikreto.

Ang  ”L+B Forever” ay isang pumapaksa sa mga problemang kinakaharap ng mga kabataan na namumulat sa kumplikasyon ng mundo.

Ang  ”Retirada” ay tungkol sa isang retiradong government employee na naghahanap ng kahulugan at direksyon sa buhay. (Archie Liao)