Advertisers

Advertisers

Brgy. chairman na-stress, uminom ng pesticide!

0 281

Advertisers

NAGPAPAGALING na sa isang pribadong ospital sa bayan ng Kalibo ang isang barangay chairman nang magtangka magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason sa loob ng isang resort sa Barangay Jawili, Tangalan, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Dindo Muyo, chairman ng Barangay Colong Colong sa bayan ng Ibajay.
Sa report, natagpuan si Muyo na nakahiga at nagsusuka sa loob ng inupahang kuwarto sa naturang resort . Dinala siya sa ospital ng mga rumespondeng rescuer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Tangalan.
Nakapag-video call pa umano ito sa kanyang barkada at dating guro pagkatapos uminom ng lason kaya agad itong nasaklolohan.
Napag-alaman na kaya uminom ng pesticide si Muyo dahil diumano sa sobrang stress at mga natatanggap na mga negatibong komento sa kabila na seryosong ginagampanan ang trabaho. (Ace Ramales)