Advertisers

Advertisers

Alex Castro nakatutok sa serbisyo sa mga Bulakenyo, miss na ang BeauteDerm family

0 851

Advertisers

IBANG klase ang dedication ni Alex Castro bilang Bokal ng 4th District ng Bulacan. Todo-tutok kasi talaga siya sa serbisyo, namigay siya sa kanyang constituents ng bigas, grocery items, gulay, at iba pa. Recently, namahagi rin siya ng face mask sa TODA sa kanilang distrito, pati na ng mga bisikleta para makatulong sa frontliners sa pagpasok sa kanilang trabaho.

Nalaman din namin na ang suweldo ni Alex bilang BM ay inilaan na niya sa pagtulong sa mga kababayang Bulakenyo, mula nang nagkaroon ng pandemic.

Saad ni Alex, “Ganito kasi yung naging sitwasyon nang nagsimula yung ECQ, nakita natin talaga na marami tayong kababayan na nahihirapan, kaya ako, kinausap ko nga si Sunshine, yung wife ko… Maraming tao po kasi yung naapektuhan kaya kahit paano, in my own small way ay makatulong. Pumunta ako sa bilihan ng bigas, pumunta ako mismo nang personal, pumunta ako ng Benguet, bumili ako ng mga gulay. Buti mayroon tayong kaibigan na nagpahiram ng bus, para sa mga gulay.”



Si Alex ay nag-author din ng mga ordinansa para sa pandemic na ito. “Gumawa rin tayo ng ordinances, katulad ng sa face mask, sa social distancing… Para po magkaroon ng ngipin yung ordinansa. Kasi po kapag executive order lang, wala pong parusa. Kaya po kapag may sariling ordinansa, mapipilitan, kahit paano po ay sumusunod ang mga tao. So yun po, mga preventive measures.

“Then, mayroon po tayong resolution para sa mga frontliner’s, gumawa po ako ng resolution na nagdedeklara every March na Frontliner’s Month sa Bulacan. Ito po ang kauna-unahan sa Filipinas.”

Aniya pa, “Ang kaso po ng Covid19 sa district ko medyo mataas, dahil po, for example, ang San Jose, Del Monte po ang pinakamarami sa Bulacan, sa Marilao, pangatlo. Puro po sa side ng District 4, dahil po yung distrito ko, yun po yung pinakamalapit sa Manila. So, karamihan nagtatrabaho sa Maynila, simula po noong nag-GCQ, noong lumuwag na, nagpasukan sa trabaho, yun po yung implication. Pumasok sa trabaho, nahawa sa mga katrabaho, umuuwi sa bahay. Ayun po, ganoon kadalasan po… Kasi po ang Bulacan ay gateway po iyan ng Manila. Tulad sa San Jose, Del Monte na kapitbahay lang ang Caloocan.

“Ang ginawa po namin, ang Bulacan po ay nagkaroon ng sariling molecular testing center. Within two months, three months, naitayo po ito, nagkaroon ng sariling testing facility ang Bulacan. And yung mga quarantine facilities, talaga pong ine-enforce namin na bawat bayan ay magkaroon ng quarantine facilities, para hindi kumalat yung virus,” esplika pa ng guwapitong actor/public servant.

Nagpapasalamat naman si Alex sa lahat ng mga tumutulong sa kanya para sa mga kababayan sa Bulacan. Kabilang na rito ang very generous at supportive na CEO at President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.



“Napakalaki ng naitulong ng Beutederm sa pangunguna ng aming CEO Ate Rei, sa mga kababayan kong Bulekenyo-mula sa mga alcohol, hygiene kits, PPE, at marami pang iba, na idinonate sa atin upang maibahagi sa mga kababayan natin.”

Ipinahayag din ni Alex na sobrang nami-miss na niya ang kanyang Beautederm family, na isa siya sa endorser.

“Sobrang miss na miss ko ang Beautederm family! Yung bonding time, tawanan, biruan, tapos ‘yung mall shows, nakaka-miss po talaga. Kasi, pamilya na po talaga ang Beautederm… Napakabait po kasi ng CEO namin, si Mam Rei, hindi po niya kami pinabayaan kahit pandemic. Hindi siya nakakalimot, may ayuda rin kami, hahaha! May mga groceries… ang sarap po talaga ng pakiramdam,” masayang pahayag pa ni Alex. (Nonie V. Nicasio)