Advertisers
TATLO ang patay at apat ang arestado na miyembro ng organized illegal drugs group sa anti-drugs operation ng mga awtoridad sa Bacolod, Lanao del Norte.
Kinilala ang mga napatay na sina Ali Ampaso, Jamel Aminoden at Gona Balowa. Nadakip naman sina alyas Saide, 22; alyas Renandang, 65; Abdulrahim Demate; at Demarao Barangay Kagawad Sabania Macatimbal, isang high value target; pawang residente ng Barangay Demarao, Bacolod.
Nakatakas naman ang isang Nashrodin Luksudatu.
Nabatid na malaking grupo ng sindikato ng droga ang mga suspek sa probinsya, at kumikilos sa buong bayan ng Bacolod.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang hindi pa batid na halaga ng pera, ilang pakete ng shabu at mga baril.(PTF team)