Advertisers

Advertisers

123 barangays sa Metro Manila mawawalan ng tubig

0 264

Advertisers

AABOT sa 123 barangays ang mawawalan ng tubig sa apat na lungsod sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa gagawing pipe relocation at retrofitting ng Manila Water sa Sta. Ana, Maynila.
Sa abiso ng Manila Water, magsisimula ang water interruption mula 9:00 ng gabi ng September 3 hanggang 6:00 ng umaga ng September 4.
Sa lungsod ng Maynila, 94 barangays ang mawawalan ng tubig, 7 sa Makati City, 16 sa Mandaluyong City, at 6 sa San Juan City.
Dahil dito, pinapayuhan na ang mga residente na mag-imbak ng tubig, at sa sandaling bumalik ang suplay ng tubig ay hayaang dumaloy ang tubig upang makapagsagawa ng flushing.
Para malaman kung aling mga barangay ang apektado, bisitahin ang social media account ng Manila Water. (Jocelyn Domenden)