Advertisers

Advertisers

Viral: Guro inedit ang piktyur ni Duterte na humahalik sa lupa

0 374

Advertisers

HUMIHINGI ng kapatawaran ang isang guro na nagawang i-edit ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na humahalik sa lupang dinilig ng dugo ng magkasunod na suicide bombers sa Jolo, Sulu kamakailan.
Ilang oras matapos maging usap-usapan ang edited na larawan ni Duterte, naglabas agad ng pahayag ang nasa likod nito.
Isang guro, Laarni Villaluz, ang nag-edit ng larawan ng pangulo na orihinal na kuha nang humalik ito sa lupa sa Jolo, Sulu noong Linggo, Agosto 30.
Matapos ma-edit ang larawan tungkol sa pagkain ng aso, nai-share ito ni Villaluz sa isang Facebook group na kanyang kinabibilangan.
Dahil dito, mabilis na kumalat ang larawan na hindi katanggap-tanggap at kinakitaan ng kawalan ng respeto sa pinuno ng bansa.
Agad na naglabas ng pahayag ang guro sa pamamagitan ng isang Facebook post at humingi ng kapatawaran sa kanyang nagawang pagkakamali.
“First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too much and too bad. I am really sorry po at hindi po ako nag isip. This was literally a hundred percent sign of disrespect. I am really sorry po,” sabi ng guro sa kanyang post.
Humingi rin siya ng kapatawaran sa kanyang pamilya na ‘napahiya’ rin daw umano sa kanyang nagawa.
Maging sa Department of Education (DepEd) ay humingi rin ito ng dispensa lalo na at tila nakaladkad ang ahensya dahil sa nagawa ng guro sa larawan ng pangulo.
Nagawa rin niyang mag-sorry sa kanyang mga estudyante at aminado siyang nabago ang pagtingin ng mga ito sa kanya.
Pinakiusap din niyang siya na lamang ang haharap sa lahat ng pambabatikos at huwag na ang mga tao o grupo na may kaugnayan sa kanya gayung siya lamang ang nakagawa ng pagkakamali. (Ace Ramales)