Advertisers

Advertisers

Titser inarmalite ng kapitbahay sa QC

0 253

Advertisers

GRABE ang isang guro nang rapiduhin ng armalite rifle ng kaalitang kapitbahay sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Glenda Vea, 47, may-asawa, ng Block 2C, Kaingin 1, Barangay Pansol, Quezon City. Nasugatan din ng ligaw na bala ang kasama ni Vea sa bahay na si Franie Vea.
Ang salarin ay kinilalang si Recto Crispino, 63, messenger.
Sa ulat, 4:00 ng hapon ng Lunes nang maganap ang insidente.
Sa report, walang sabi-sabing inilabas ng salarin ang kanyang M16 armalite at nirapido si Glenda.
Matagal nang may-alitan sina Crispino at Glenda at may kasong dinidinig sa Quezon City Metropolitan Trial Court.
Isinuko ni Brgy. Pansol chairman Jojo Mahusay si Crispino sa Anonas Police Station 9, nitong Martes ng umaga. Inaalam pa ng otoridad kung may lisensiya ang ginamit na baril ni Crispino. Hindi nabanggit kung isinuko ito ng salarin.(Boy Celario)