Advertisers
Nilinaw ng Malacañang na tuloy pa rin ang Sangley Airport Development) Project at iba pang Chinese Projects.
Ito ay sa kabila ng pagtutol at pagpapatupad ng Estados Unidos ng sanction sa mga Chinese Firms na sangkot sa pagtatayo sa artificial islands sa South China Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na puwedeng ipairal ng US ang blacklisting sa mga Chinese Companies sa kanilang mga teritoryo at base militar na nasa ilalim ng kanilang jurisdiction.
“Malinaw na sinabi ng Presidente hindi po siya susunod sa direktiba ng mga Amerikano dahil tayo ay malayang bansa at kinakailangan po natin ang mga namumuhunan galing sa Tsina,” ani Roque.
Nabatid na ang Sangley Airport Project ay nakuha ng China Communications Construction Co. Ltd. (CCCC) at Macro Asia Corp. ang kontrata. (Josephine Patricio)