Advertisers
Binabalangkas na umano ngayon ng bagong lideratura ng PhilHealth ang mga hakbang para sa pagbuwag sa umiiral na PhilHealth Mafia.
Ito ang inihayag ni President/CEO Dante Gierran sa kanyang panayam kahapon.
Nangako rin si Gierran na lilinisin nito ang kanilang tanggapan laban sa katiwalian.
Ito ay bilang pangunahing utos ni Pangulong Rodrigo Duterte nang siya’y i-appoint na walisin ang korupsiyon sa naturang ahensiya.
Ayon pa kay Gierran bagama’t pabor siya sa malawakang tanggalan lalo na sa regional offices na pinag-ugatan ng anomalya, dapat ay naaayon sa batas para gawin ito. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)