Advertisers

Advertisers

KING TIGER MARK YEE SIYENTO-PORSIYENTONG READY

Davao Occ. Cocolife sa MPBL....

0 292

Advertisers

MALAKI ang posibilidad na babalik-aksiyon na ang sport na malapit sa puso ng mga Pilipino – ang larangan ng basketball sa go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for pandemic.
Tiyak na maririnig muli ang di magkamayaw na hiyaw ng basketball fans sa tanyag nang liga sa buong kapuluan na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) upang matuloy na ang naudlot na kampeonato ng palarong regional basketball na patok sa masang Pinoy.
Malaking bahagi ng katanyagan ng MPBL ay ang thrill at excitement na dulot ng koponang Davao Occidental Cocolife Tigers na naghari sa south division noong nakaraang Datu Cup season ng liga at isang hakbang na lang upang magharing muli para sa panibagong hamon ng national championship Lakan season na naudlot pansamantala dahil sa pandemya.
Instrumental sa winning tradition ng Davao Occidental ni team owner Dumper Party List Rep Claudine Bautista na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque ang ‘to the max’ na performance bawat game nI acknowledged team leader King Tiger Mark Yee na dominado ang lahat ng departamento sa estadistika ng basketball sa naturang liga.
Ang dating frontliner ng Air 21,Talk ‘n Text at KIA sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Yee ay maituturing na sundalong handa sa lahat nang oras sa laban para sa bayan na isang positibong karakter ng manlalarro upang magtagumpay ang koponang kinabibilangan. “Heto ang magandang balita, 100% nang healthy si Mark. Ang dali niyang naka-recover from injury sa panahon ng quarantine dahil na rin sa todo suporta ng kanyang maybahay at inspirasyon sa kanyang dalawang anak,” wika ni deputy team manager Ray Alao sa kanyang longtime buddy na si Yee. “Pag may go-signal na from IATF na balik aksiyon na kami, ready na siya at ang buong team upang ipanalo ang game 3 rubbermatch south division championship against Basilan.”
Ang buong team ani Alao ay laging in high spirits kahit sa panahon ng quarantine at consistent ang physical conditioning tulad nina Yee, Bonbon Custodio Billy Robles, Emman Calo, Yvan Ludovice, Joseph Terso at sina Kenneth Mocon, Chester Saldua, Richard Albo at iba pang Tigers para laging handa sa giyera sa arena anumang oras na may greenlight na sa sport.” Buong pagkalinga sila nina M’dam. Claudine, Gov. Claude Bautista, team manager Dinko Bautista at operation manager Bhong Baribar kaya let’s hear once more our Tigers roar for victory”, ani pa Alao na in-acknowledge ang mga advise ni Yee sa kanyang very promising future of basketball son na si Mur Prince Alao pag naroon siya sa practices at games nito.
Kapag nalusutan ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang Basilan sa southern rubbermatch finals ay makakatunggali nito ang magwawagi sa north division finals sa pagitan ng Makati at defending champion San Juan Knights para naman sa pampinaleng national championship ng ligang inorganisa ni Manny Pacquiao.(Danny Simon)