Advertisers

Advertisers

GYM, INTERNET CAFE, PUWEDE NANG MAG-OPERATE SA MAYNILA – ISKO

0 336

Advertisers

OPISYAL nang pinayagan ng pamahalaang lungsod ang operasyon ng mga gym at internet cafe sa Maynila, simula ngayong Martes, Sept. 1.

Sa kanyang Facebook Live, inianunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang naturang magandang balita sa mga residente.

Ayon kay Moreno, kailangan lamang tiyakin ng mga nangangasiwa sa naturang establisimyento na magpapatupad sila ng istriktong health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).



Paalala naman ng alkalde, ang mga may-ari at staff ng mga naturang tanggapan ay kinakailangang magsuot ng face masks at face shields sa lahat ng pagkakataon.

Para naman sa mga internet café customers, hindi sila pinapayagang magtanggal ng face masks, habang nasa loob ng establisimyento.

Ang mga kliyente naman ng mga gym ay hinihikayat ni Moreno na magsuot ng face masks ngunit maaari aniya nila itong tanggalin habang nagwu-workout o nag-e-ensayo ngunit hindi naman pinapayagan ang mga instructor na magtanggal ng face mask at face shield.

“Kayo po ay hinihikayat na mag-face mask pero habang kayo ay nag-e-ensayo, puwede niyong tanggalin saglit ang inyong mask, pagkatapos ng set, ikabit niyo po muli,” anang alkalde.

“Ngunit ‘yong instructor ay ‘di maaaring tanggalin ang mask at face shield.”



Kasabay nito, hinimok din naman ni Moreno ang mga gym owners na i-require ang kanilang mga kliyente na mag-book ng appointment bago gumamit ng pasilidad.

Binigyang-diin pa niya, hindi dapat na maging overcrowded ang mga gym.

“Alam ko pong matagal na kayong walang negosyo at alam ko po ‘yong mga instructor at nagtatrabaho sa mga computer shop ay matagal ng walang trabaho so ito na ‘yong pagbabalik upang kahit papaano ay magkaroon kayo ng mapagharimunan sa kaniya-kaniya niyong bahay,” anang alkalde.

“Pero nakikiusap po ako, let’s be responsible to ourselves and to others… We must learn how to live with COVID-19 everyday but at the same time, we must learn how to go back to work safely,” pakiusap pa ng alkalde.

Nabatid na ang mga gym at internet café sa lungsod ay pinapayagang magbukas ng 6:00AM hanggang 10:00PM. (Andi Garcia)