Advertisers
NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa health at safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.
Ito ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat na may ilan na mga liaison officers sa mga BI accredited travel agencies at law offices na sumusuway sa protocol at hindi dumadaan sa disinfection chamber bago pumasok sa kanilang tanggapan.
Dagdag pa dito ang ilang empleyado na hindi nagsusuot ng face masks, face shield at hindi sumusuod sa social distancing habang ang iba ay nagpupunta sa ilang tanggapan na isang paglabag sa office hopping.
Ang BI Chief ay inaprubahan ang rekomendasyon ng BI Administrative Division na pagbabawalan ng dalawang Linggo ang sinumang travel agent o law office representative na pumasok sa nasabing tanggapan na hindi dumadaan sa disinfection chambers habang sasampahan naman ng administratibo ang sinumang regular employees na hindi nagsusuot ng wear face mask, face shield, at hindi sumusunod sa social distancing, gayundin ang mga nag-office hopping.
Sususpindehin naman ng dalawang Linggo ang kanilang business ang sinumang empleyado ng mga concessionaires sa loob kung hindi susunod sa patakaran. (Jocelyn Domenden)