Advertisers
NAKAKAALIW ang bagong vlog ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa kaniyang YouTube channel! May pagka-pilyo pala ang binata at napagtripan niya ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz sa pamamagitan ng prank calls.
Kasama sa mga nabiktima niya ang kapwa GMA artists na sina Lexi Gonzales at Mikael Daez, pati ang mga fan niya sa Kelvin Nation at Kelvin Warriors. Kunwari ay maglalayas na siya at magbabaka-sakaling makituloy sa bahay ng mga kaibigan, at may mga paandar pa siyang natalo sa sugal.
Laugh trip talaga ang video na ito kaya naman huwag palampasin ang kabuuan ng pakulo ni Kelvin sa ‘Prank or Flops’ vlog niya at mag-subscribe na rin sa kaniyang official channel na Kelvin Miranda TV.
***
NOMINADO sina Alden Richards at Janine Gutierrez bilang Best Actor at Best Actress sa ika-43 Gawad Urian na gaganapin sa darating na Oktubre.
Nominado si Alden bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye,’ habang nominado naman bilang Best Actress si Janine para sa ‘Babae at Baril.’
Highest grossing Filipino film ang ‘Hello, Love, Goodbye’ na isa sa mga bida si Alden.
Samantala, kabilang naman sa 2019 QCinema International Film Festival ang ‘Babae at Baril’ na napanalunan ni Janine ang kanyang unang Best Actress award.
Kasama rin ang ‘Babae at Baril’ sa listahan ng mga nominado sa katergoryang Best Picture, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Supporting Actor, Best Production Design, Best Music, Best Editing, at Best Director para kay Rae Red. (BKC)