Advertisers

Advertisers

Viral!: Nagnakaw ng karneng halagang P270 kulong

0 383

Advertisers

KULONG ang 28-anyos na lalaki nang magnakaw ng karne na nagkakahalaga ng P270 sa isang mini-mart sa Barangay Ligid-Tipas, Taguig.
Kinilala ang nadakip na si Jeffrey Cayanan, 28, walang trabaho at residente ng Purok 4, Barangay Tuktukan, Taguig.
Sa report, nagtungo si Cayanan sa Alfamart store sa Barangay Ligid Tipas at nagkunwaring customer nitong nakalipas na Sabado
Ayon sa ulat, kinuha ng suspek ang pork kasim na ang halaga’y P135 at barbecue na P135 din ang presyo.
Nakita ang ginawa ni Cayanan sa CCTV footage ng convenience store.
Nahaharap ang suspek sa kasong pagnanakaw.
Nag-viral naman ito sa social media. Sabi ng netizens: Sa halagang P270 na ninakaw kulong agad, pero pag daan daang milyong piso ang ninakaw ng mga taga-gobierno, okey lang.(PTF team)