Advertisers
TIMBOG ang isang binata na nanggahasa at pumatay sa 4 taon gulang na babae na nanghihingi lang daw ng barya sa salarin sa Caloocan City nitong Lunes.
Sa crime scene, tinabunan nalang ng dahon ang katawan ng paslit matapos gahasain at patayin sa likod ng bakuran ng isang abandonadong bahay.
Ayon sa ama ng biktima na si alyas Ruben, iniwan niya ang kanyang anak sa isang palaruan sa kanilang compound Linggo ng tanghali. Pero nang balikan niya ang bata 4:00 ng hapon ay wala na ito sa palaruan.
May nagsumbong na residente sa barangay at sinabi kung sino ang huling nakasama ng bata na isang 17-anyos na lalaki.
Ayon kay Police Maj. Allan Papa ng Caloocan Police, inamin ng salarin na kinuha nito ang bata at dala ng kanyang kalasingan pinukpok sa ulo ang biktima dahil maingay.
Kinasuhan ang salarin ng Rape with Homicide. Pero dahil menor de edad ay hindi pa alam kung makukulong ito.
Nakatakda ring ipasailalim sa drug test ang salarin.(PTF team)