Advertisers

Advertisers

McCoy naudlot ang planong pagtalikod sa showbiz at mag-aral na lang

0 240

Advertisers

ANG Viva Artist Agency na ang humahawak sa career ni McCoy de Leon. Wala na siya sa Star Magic.

Pero hindi niya ito iniwan para lumipat sa VAA. Wala na kasi siyang kontrata rito, nag-expire na.

Ikinwento ni McCoy sa virtual presscon ng Viva para sa kanya, na noong matapos ang kontrata niya sa Star Magic, naisip niyang balikan na lang ang pag-aaral. Gusto niya ring makatapos katulad ng ka-batchmates niya noon.



Pero may dumating daw na oportunidad sa kanya para magpatuloy sa pag-aartista. Ito ngang offer sa kanya para maging talent ng VAA, na talent management agency ng Viva Entertainment Sinunggaban niya na raw ang offer.

Na-realize niya na gusto pa rin niyang ipagpatuloy ang kanyang acting career.

***

SA kanyang Instagram account noong Huwebes, pinost ni Kim Atienza ang ginagamit niyang motor sa pagpunta sa trabaho sa harap ng ABS-CBN 2. Isang netizen ang nagkomento sa kanyang post. Sabi nito, “Move on na Kim.”

Naintindihan ni Kuya Kim ang ibig tukuyin ng netizen. Na tanggapin niya na ang katotohanan na sarado na ang Kapamilya network. Kaya naman sinagot niya ito. Sabi niya sa kanyang reply, “Buhay pa ang ABS, gusto mo iwanan ko? Anong move on? God bless you.”



O di ba, hindi pinalampas ni Kuya Kim ang hindi magandang komento ng netizen sa kanyang post kaya sinagot niya ito? (Rommel Placente)